Posts

Showing posts from February, 2022

Online Class sa Gitna ng Pandemya: Dahilan ng Paglabo ng Mata

Image
        Simula nang magkaroon ng pandemya noong taong 2020 ay sinimulan na ang makabagong sistema ng pag-aaral— ang online class . Isa itong magandang paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan sa kabila ng dinaranas na pandemya, ngunit may kaakibat rin itong mga negatibong epekto sa mga mag-aaral. Isa na rito ang paglabo ng kanilang mga mata.        Ayon kay Zacate (2020) , ang contrast at ilaw ng iskrin sa ating mga gadyet ay maaaring makapagbigay ng mataas na Visual Effort Demands sa ating mga mata upang magawa nito ang kanyang tungkulin.        Katuwiran naman ni Garcia (2020) na dahil sa halos lahat ng aktibidad nga­yong online classes , hindi na maiwasan ang mga mag-aaral na nakararanas ng Computer Vision Syndrome o Digital Eye Strain . Kabilang sa epekto nito ay ang paglabo ng paningin, tuyong mga mata, sakit ng ulo at pagdodoble ng paningin. Ang sanhi raw nito ay ang blue light  na inilalabas ng mg...